Wednesday, August 31, 2011

WORD OF THE LOURD: PLANKING


Tama nga naman si Lourd, walang basagan ng trip! Sa katunayan, nakapag planking na ako several times. Saka na ang pictures baka makaskandalo pa... enjoy niyo muna ang video.

Tuesday, August 30, 2011

Happy Anniversary Marulaya!

TRESE.

isang numerong minsan maswerte minsan hindi. Kinakatakutan lalo na kapag tumapat sa Friday na paboritong araw naman ni Rebecca Black... Fun fun fun! Well hindi naman si Rebecca ang bida kundi ang Org ng Marulaya Creative Scholars' Guild o mas Kilala bilang Magwayen noong unang 11 taon. Nagyon nakaabot na ito sa ika-13 taon sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Hindi naman ako ang pioneer na member ng organization na ito sa katunayan 2007 lang ako nakasama dito at mailang projects na rin ang aking sinamahan at nakibahagi ng aking oras, pagod, pera, at marami pang iba.

Although wala na ako sa PLM ay buo pa rin ang aking passion sa performing arts dahil sa org na ito. Para siyang droga (by the way hindi pa ako nakatikim nun), na hahanap hanapin mo sa tuwina lalaao na sa mga oras ng walang magawa at sa matinding kalungkutan. Higit pa run ang samahan ng mga talented na kasama na dumaan rin sa butas ng karayom upang mag audition tulad ko. Bawat isa sa kanila ay mayroon din espesyal na talent (at misnan attitude) na unique at nagbibigay buhay lalo sa samahan. 

Mula sa mga dula, concerts, one act plays, street play, segment number, at maging sa pagsabak sa iba't ibang contest napagdaanan na ng org sa unang dekada pa lamang. Kaya nga ang mga alumni o elders ay hindi rin makatiis na kamustahin at "medyo" makialam para masiguro na buhay ang org. Ang 13 ay maaring maituturing na bata pa sa industriya, parang tinedyer na papasok pa lamang sa high school. Ngunit ang batang ito at isang PROTEGE, na aangat sa iba. Isang taong may masidhing pagnanais na magbahagi at maipamalas ang talento. Ang motto niya ay " ang talent at laging nababahagi at nalilinang dahil kinulob ito, babaho ito at magigigng utot" .

Sa inyo na nakakabasa, hindi isang perpektong organisasayon ang Marulaya. May mga oras din ng kalungkutan at pighati, may mga oras ng mga tampuhan at samaan ng loob. Sa loob ng 13 taon, marami pa ang inaasahang mangyari. Marami pa ang pinapangarap na maabot. At marami pang kabataan ang nais maging bahagi nito upang magpakitang gilas hindi lang sa loob ng Pamantasan kundi pati na rin sa buong mundo.

Ngayong TRESEng taon na, ano ang ating kapalaran, Malas ba o Swerte?

Kudos Marulaya!

Sunday, August 14, 2011


Word of the Lourd
Salbaheng Sining?

Saturday, August 13, 2011



SIGNS.

Uso na ulit ang signs of the times. Mula sa katapusan ng mundo, mga kalamidad, pagbagsak ng credit rating ng Amerika at kaguluhan sa London, tila may pinapahiwatig na maaring umabot nga sa  kinakatakutan na pagkagunaw ng mundo.

Pero minsan may mga bagay na biglaan at walang signs tulad ng pagreresign kahapon ni Secretary Lim sa DOT. Wala namang kontrobersya, sex tape, o kurapsyon, kailangan lang daw niya ng time sa family niya. Oh well. Tara na, Biyahe tayo!

Balik nga tayo sa London, kung saan tila nasusunog at sinisira ng mga nangangalit na taumbayan ang makasaysayang at makapangyarihang lungsod sauong mundo. Paano ba ito nagsimula. Ayon sa aking reaserch, nagsimula ito nang may mapatay ang pulis na isang taxi driver na pinaghihinalaan na drug pusher. Hindi ito tinangap ng kanyang kamag-anak at ang komunidad kay nagsimula ang iba't ibang riot sa London. Sana matapos at maisaayos kaagad at hindi rin umabot na makikita natin ang Beg Ben na ang umaalab.

Sa Amerika naman, malaking issue na sa kanila ang pagbagsak ng credit rating from AAA to AA+. Kung titignan, mukhang maliit lang ang kaibahan, ngunit dahil sila pa rin ang pinakamalaking ekonomiya sa mundo, ito ay nagbabadya ng pagbabalik ng recession at pagbagsak ng mga negosyo sa Amerka. Sana all is well...

Tama, Aal izz well, kakapanood ko lang ang 3 idiots na isang Bollywood film. Nakakainspire at nakakaaliw at the same time. Sa katunayan hindi ako ganun ka hook sa Hindi films dahil baka marindi ako sa sobrang dami ng song and dance number. Pero iba ito, lalo na pinauusapan dito ay ang buhay estudyante lalo na sa engineering na course ko. Ngayon na may matinding signos din akong pinagdadaanan, nakatulong siya ng malaki sa akin. 

Aal izz well, kapatid

Tuesday, August 09, 2011


Matapos ang matagal na procrastination or katamaran sa madaling salita, heto na naman ako nagta type sa keyboard ng walang pakundangan walang edit edit at walang magawa. Yes, tila may nahulog sa akin n a mahiwagang bunga at nakain ko habang natutulog. Sinipag ata ako, at in fairness, tagalo... este Filipino ang gamit na wika ko para sa blog post na ito.

Kung sa bagay dito naman talaga ako nagsimula sa pagkahilig sa pagsusulat, gamit ang wika na aking nakagisnan. Masayang malaman na tuloy na ako magsisismula sa pagsususlat ngayon na nakatenga lang ako at gumagawa ng iba pang blogs. At oo nga pala, ipapakilala ko ko sa inyo ang aking section na tatawagin kong DALAWANG PISO, ang Pinoy two cents.

Dito malaya kong maibabahagi ang aking opinyon sa mga nangyayari sa paligid. Kung nagbabasa kayo ng blog ko ay siguro alam niyo na ang BLAH BLAH BLOGS kung saan nagsimula din ako mag kuro kuro sa mga pangyayari. Well since nag upgrade na siya at kailangan nang maintindihan ng mas maraming tao, ang DALAWANG PISO naman ay para sa isa pang malayang usapan.  Parang Editoryal sa dyaryo, pero syrempre nasa blog tayo kaya iba ang masasbi ko rito.

Hindi naman ako magmumura (kung kinakailangan lamang), at manyuyurak (ng walang basehan) sa mga tao, bagay, pangyayari at pagkain nang hindi dumaan sa matinding balitaktakab at research. Libre naman ang internet sa mall kaya madalang makasagap ng balita at impormasyon ngunit dapat ay mayroong matalas na mata at matalinong pagiisip ukol sa mga isyu ng bayan. Ika nga ng GMA news, Think before you click.

Hangad ng dalawang piso na maibahagi sa nakararami ang mga usapin at iba pang bagay na hindi natin napapansin na may mahalagang bahagi ng may kinalaman din sa mga ito. Sa ngayon, parang introductory pa lamang ito pero asahan niyo na mas magiging personal at makulay ang usapan dito sa DALWANG PISO. Salamat din sa mga pangyayari, pelikula at mga panahon na sumubok sa akin at nagpaliwanag ng aking mata upang magising. 

Kaya eto, dumaan ang limang minuto at nakailang paragraph na pala ako, parang nakipagtsimisan lang ako sa inyo ng 5 minuto. Pero seryoso, sana ay hindi lang kayo maaliw dito kundi may matutunan at may mapagsimulan na mga diskusyon sa inyong baranggay, bayan at maging sa internet sa facebook, twitter o blog man yan. Iba na ang panahon ngayon, pero may mga bagay na perho pa rin at di nagbabago at yun ang Tama at Mali.