Matapos ang matagal na procrastination or katamaran sa madaling salita, heto na naman ako nagta type sa keyboard ng walang pakundangan walang edit edit at walang magawa. Yes, tila may nahulog sa akin n a mahiwagang bunga at nakain ko habang natutulog. Sinipag ata ako, at in fairness, tagalo... este Filipino ang gamit na wika ko para sa blog post na ito.
Kung sa bagay dito naman talaga ako nagsimula sa pagkahilig sa pagsusulat, gamit ang wika na aking nakagisnan. Masayang malaman na tuloy na ako magsisismula sa pagsususlat ngayon na nakatenga lang ako at gumagawa ng iba pang blogs. At oo nga pala, ipapakilala ko ko sa inyo ang aking section na tatawagin kong DALAWANG PISO, ang Pinoy two cents.
Dito malaya kong maibabahagi ang aking opinyon sa mga nangyayari sa paligid. Kung nagbabasa kayo ng blog ko ay siguro alam niyo na ang BLAH BLAH BLOGS kung saan nagsimula din ako mag kuro kuro sa mga pangyayari. Well since nag upgrade na siya at kailangan nang maintindihan ng mas maraming tao, ang DALAWANG PISO naman ay para sa isa pang malayang usapan. Parang Editoryal sa dyaryo, pero syrempre nasa blog tayo kaya iba ang masasbi ko rito.
Hindi naman ako magmumura (kung kinakailangan lamang), at manyuyurak (ng walang basehan) sa mga tao, bagay, pangyayari at pagkain nang hindi dumaan sa matinding balitaktakab at research. Libre naman ang internet sa mall kaya madalang makasagap ng balita at impormasyon ngunit dapat ay mayroong matalas na mata at matalinong pagiisip ukol sa mga isyu ng bayan. Ika nga ng GMA news, Think before you click.
Hangad ng dalawang piso na maibahagi sa nakararami ang mga usapin at iba pang bagay na hindi natin napapansin na may mahalagang bahagi ng may kinalaman din sa mga ito. Sa ngayon, parang introductory pa lamang ito pero asahan niyo na mas magiging personal at makulay ang usapan dito sa DALWANG PISO. Salamat din sa mga pangyayari, pelikula at mga panahon na sumubok sa akin at nagpaliwanag ng aking mata upang magising.
Kaya eto, dumaan ang limang minuto at nakailang paragraph na pala ako, parang nakipagtsimisan lang ako sa inyo ng 5 minuto. Pero seryoso, sana ay hindi lang kayo maaliw dito kundi may matutunan at may mapagsimulan na mga diskusyon sa inyong baranggay, bayan at maging sa internet sa facebook, twitter o blog man yan. Iba na ang panahon ngayon, pero may mga bagay na perho pa rin at di nagbabago at yun ang Tama at Mali.