Wednesday, May 27, 2009

Clash of the Passion

medyo may dilemma ako ngayon sa pinagagawa ko sa buhay. Marami akong gustong gawin pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Mahilig talaga ako sa pagsusulat, pagdro-drowing, pag-arte, pagsasayaw at pagkanta. Pero sa tingin ko ang nahaharnest kong  talent ay ang pag drodrowing, siguro dahil mas nauna akong magdrowing kaysa magsulat. Sa ngayon hiatus na naman ang mga sulatin ko, pero kahit paano dahil din dito mas lumawak ang imahinasyon ko at tila mas ginanahan ako sa pagsusulat. Kaya siguro muli akong nagsusulat ng ganito ng walang pakundangan. Malaya. 

Hindi ko pinagsisihan o minamata ang aking talento, bigay sa akin ito. At mayroon akong responsibilidad na gamitin ito para sa ikabubuti.  Ako lang siguro ang may problema kung saa at paano ko ilulugar ang mga ito. Sa totoo lang gusto kong mapasa ang aking talento sa susunod na henerasyon, kung aabot man ako sa kanila. Pero syempre habang buhay pa ako dapat gumawa na ako.  Marami pa akong gustong marating. Sa pagkapanalo nga ng isang direktor na pinoy sa Cannes ay nakakainspire, matagal din niyang pinuhunan ang kanyang talento at nagbunga nga ito ng parangal mula sa patimpalak na iyon.  

Sa araw na ito, nais kong bumalik sa writer mode, balik sa pagbabasa, pagsusulat, pag-iimagine ng kung anu-anong bagay na talagang "out of the box". Nakakatawa man, pero nakatulong sa akin ang panonood ng Phienas ng Ferb ng Disney Channel. Bawat araw ng summer vacation nila may ginagawa silang out of this world na mga inventions, events at discoveries.  Dapat yun ang gawin ko, araw araw dapat may ginagawa akong mahalaga. Hindi man kasing bonga ng ginawa nila, at least may patutunguhan. Tulad ng site na ito, medyo napabayaan ulit pero may araw na babalikan ko ito para magdagdag, mag-ayos at magbago. 

yey!

Wednesday, April 22, 2009

Na miss ko ang feeling ng ulan...

Matapos ang matinding sikat ng araw na sinasabi sa balita na ito ang pinakamatiniding tag-araw. Bigla kong naisip ang global warming. Sobrang ramdam ko ang pagkakaiba ng init last year at ngayon. Sa totoo lang ayaw ko ng ulan, mas gusto ko pa ang mahangin kahit maaraw. Nagdadala kasi ng baha ang ulan, tapos sakit, tapos kamatayan.

Pero ang ulan pala ay biyaya lalo na sa tigang na lansangan na aspalto. Naisip ko na kaibigan ko rin ang ulan, na miss ko din agad ang pagligo sa ulan. Marami pang alaala ang bumaha sa pagpatak ng ulan sa kalye at sa aming bahay. Mas marami ang masasayang alaala na dala nito. Na-insipre pa pala ako. kaya tignan niyo balik blog ako. Kahit nung una ayoko kasi ayaw ko nga ng ulan. Sabi ni Bob Ong, nagsusulat lang siya kapag umuulan (tama po ba ang basa ko? o nag-iislusyon lang ako), hindi ko alam kung joke ba yun o seryoso basta tumatak sa isip ko yun nung nabasa ko.

At dahil patapos na ang buwan na ito, marami ang magbabago. Tila signos ang ulan sa babahang biyaya sa amin. Darating na ulan ng pagpapala. Biglang kumati ang kanang palad ko. Hindi naman karaniwan na nangyayari yun unless na may magandang mangyayari sa totoo lang, sa katunayan hindi ako mapamahiin pero alam ko kapag nangyari yun pahiwatig na yun ng isang magandang pangyayari.

Na-alala ko pala na ang dami ko palang hahabulin... mga contest, mga papel, mga preperation ko para sa aking kaarawan. Haay, ang buhay talaga... buti na lang day off ko na bukas. Makakahinga na ako ng maluwag... sa tingin ko

Tapos nang umulan, padilim na rin ang kalangitan, at ang tangan ko ay ang pag-asa na ihinatid sa akin ng ulan.

Saturday, April 04, 2009

Reclamation Project.
SLOW .... MAN WORKING

Haaay... parang bahay na matagal ko nang hindi na puntahan. Na miss ko rin palang site na ito. At dito nagsimula ang lahat lahat ng kalakohan ko sa buhay at sa blog. Sa katunayan ang original na name nito ay fokkersplace.blogspot.com, ni-rename ko na lang para masaya. Ika nga, ang hindi lumingon sa pinang galingan ay may hindi nagbayad (weh, korni). Anyway, Its recharging to see my FIRST blog ever. Aba ang haba ng sinulat ko...


lets start!!!

...
haba no? at tignan mo naman kung saan na ako nakaabot, at ano pa kaya ang maabot ko? Baka sa susunod na taon itong blog na ito ang ookrayin ko ng bagong blog in the future. Awww.. the mysteries of life. At dahil na balikan ko muna ang blogspot na ito ay upang ayusin ang network ko bilang blogger, pati na ang buhay ko. Kung dati suber bihira akong mag post dahil sa computer shop pa ako nag tataype, eh ngayon na may laptop na ako (sosyal at ang yabang). Ang blogspot na ito ay ang tatayuan ko ng updates sa aking mga ginagawa sa lahat, especially sa mga sinulat ko. Natutuwa ako dahil marami na akong nakikilalang blogger groups, tapos ang walang kamatayang friendster, facebook, multiply, at twitter (as of 10:20 AM, March 4, 2009). Kaya if ever na may mangyaring (illusyong) book lauch or anything about me, mas mainam na dito ko na lang ilagay. Bukas pa rin ang tahanan kong ito para sa iyong mga komento, suggestions and all that dito. Yes, para akong carrinderiang bukas sa nais kumain.
Mga kapatid, iwasan lang po natin ang plagarism at awayan. Parang awa niyo na mahirap na ang Pilipinas at ang mundo , kaya huwag na po tayong magdagdag ng gulo pa. Eh pwede naman maging masaya ang lahat eh. O siya, siya maglilinis muna ako dito kaya, bahala muna akong maglagalag sa cyberspace, at dumaan din kayo sa iba ko pang blogs , baka andun ang hinahanap niyo. Ok, ingat! (insert John Llyod smile *click*)

Friday, August 08, 2008

Blah Blah Blog ~8~8~8~ august 8, 2008


北  京  欢  迎  你

this only comes once...
never let it slip away...
eight day of the eight month of the eight yearthe blessing of heaven has come forth
the wood has provided scrolls to record the days
the moon and the ocean torment the waters
the earth has become strong and proud
the world will be reborn in fire
and the air will set all in harmony

Ngayon ay ang ika-8 ng agosto taong dalawang libo't walo, ngayon, maraming dapat abangan na magyayari. Ngayon ay simula ng aking retreat.... Ngayon ay simula ng Beijing Olympics, maraming nagsasabi na ito ay maswerte, at ang petsang ito. At marami naman ay pangkaraniwang araw lamang ito.  At nandito pa ako nagba-blog hindi  pa natutulog galing sa work.  Haaay....

同一个世界 同一个梦想
one world, one dream

    Ayon nga sa last blog ko, na inspire ako muli sa arts (lahat ng klase visual man o performing arts, pati martial arts) Kaya sa ngayon, uumpisahan ko na ang aking mga OBRA...isang malaking sugal man ang aking ginagawa ngayon ay sana matapos ko sila para kahit hindi ako manalo ay mayroon akong mapatunayan sa aking sarili at sa mga nakakakilala sa akin. At isa pa sa mga nabuhayan sa aking dugo ay ang graphic arts, lalo na ang animation. Dumarami na ang mga magagaling na pinoy animators at dumarami na rin ang mga magagandang pinoy cartoons. At dahil isa rin yun sa pinakamimithi ko sa buhay, na magkaroon ng animation na ako ang gumawa, kung hindi man, kahit ang storya lang.


Wala naman akong katawan ng isang atleta ngunit ang pagkahilig sa isports ang nagtutulak sa akin upang subukan at huwag matakot ang mga estilo at diskarte sa palakasan, tulad ng buhay dapat maging matatag. Wushu! Abaganan din ako sa Manila Olympiad 2024, Badminton ü


    Ngayon din ang simula ng aming individual guided retreat ng AYOM. Iba ito sa mga retreat na nasubukan ko kasi as in one on one na retreat! Dibdibang pagninilay ito! At sa mga experience ko sa mga retreats na kahit papano ay may napupulot akong mahalagang aral, sana ang bangong istilo nito ang magbukas pa sa aking puso at tuluyang magbago sa aking mga hindi magandang gawain. At sana din dito magmula ang aking taus pusong paglilingkod bilang volunteer sa gawain ng Diyos. ( Seryoso ito) Dito rin kaya, iparamdam sa akin ang "calling" ? (hello? thank you for choosing priesthood, how can i bless you today?). Who knows... 
    Ui! may ad din akong masisingit pala, sa mga gusto ng invite sa ümobile, reply kayo agad ng e-mail at cel number niyo 10 lang ang invites ko....per month. Sa mga sawing palad sa invite codes punta na lang kayo sa www.umobile.com.ph. HURRY WHILE SUPPLIES LAST! libre sim! libre load for 6 months! The only thing that you need to do is register and complete the questionnaires. Its cool, but still I am reviewing its pros and cons. 
pero syempre cool talaga ang LINBRENG LOAD!

Kakatapos lang ng wowowie, may nanalo ng 500K sa willie of fortune, napagbiyan ang 8th na anak, swerte talaga, akala lang niya 50K lang ang panalo niya. Napagbiyan ni Willy, at hindi pa naman tapos ang araw na ito, subukan natin ang swerteng dala ng araw na ito at sana ako ang isa sa mga mabibiyayaan....


Tuesday, July 22, 2008

Blah Blah Blogs! =cofffe withdrawal syndrome=


coffee withdrawal syndrome

    ewan ko ba kung bakit nang nagbalik loob ako sa kape, saka ko naramdaman ang hindi mainitndihang sakit. Para kasi akong nasusuka na nahihilo na napapaubo ng malakas, pero wala naman akong lagnat? at nagyayari lang ito kapag nakababad ako sa aircon at kakainom ng dalawang tasang kape, na hindi ko naman naramdaman noon. Alam ko coffee addict ako, well noon, *hic* at matapos ang kunwa-kunwariang cleansing diet from caffine, ngayon lang ako bumaik sa coffe machine upang pumila ng kape. feeling ko minsan gusto ko nang umabsent, pero hihintayin ko na lang talaga na bumulagta ako. Sabi naman sa clinic, nagkaroon daw ako ng very mild na high blood, na nawala agad pero nahihilo pa ako ng kaunti. Sana sa pagpasok ko mamaya hindi na ako maganun. Hay, kailangan ko ata ng bakasyon muli. Sana nakasama ako sa world youth day sa Austrailia, sana makasama ako sa susunod sa Madrid. Ang dami ko nang regrets at depression ( kuno hehehe), sana mapatawad na ako ni caffine, I love her so much. (sob :'( )