Medyo napabayaan ko na ang blog na ito ng magatagal, pero napagisip isipan ko na kailangan kong bumalik kung saan ako nagsimula, sa blog na ito. Nabuo ito noong 2003 pa noong bago pa ang blogger at pagba-blog sa Pinas. Ang una pa nga nitong pangalan ay FOKKERPLACE.blogspot.com (dahil na adik ako sa anime na Power Stone at ang bida nito na si Falcon o "Fokker". Dito nagsimula ako sa maiikling mga blog o maituturing na ngang mga tweet sa panahon ngayon. Napagusapan dito ang mga trahedya sa buhay ko tulad ng pagpanaw ni Papa, gayundin ang mga rants ko sa matinding pagkagipit pero may time pa rin para maka blog. Ganun ako ka hooked dito at ngayon ay pawang kailangan kong bumalik sa dating format na tagalog at tuloy tuloy na pagsusulat, RAW ika nga.
Naisip ko nga na bihira na ako bumalik dito sa PERSONAL blog ko na fpjjr.blogspot.com. Ito sana ang aking sacred space sa panahon na nauubusan na ako ng bait at talino. Masaya magblog sa tagalog at dito ko lang ito maito-todo dahil ang Manual to Lyf ay ika nga nasa International level at kailangan sumunod sa mga standards.(Naks!) Lately ko na naisip na bumalik dito at magisip ng raket kung ano ang magandang gawain na tuloy tuloy para sa blog site na ito.
Naisipan ko ang Haiku 365 na ginawa ko sa papel kaso hindi natuloy dahil sa pesteng kasama ko sa bahay (alam niyo na kung sino kayo! P%^&*$#). Kung video naman, pwede din kaso dapat upload agad at kung pwede ma edit para mukhang presentable naman.
Masaya sa pakiramdam na maglabas ng sama ng loob sa blog kaysa sa trono. Pero minsan ang labas nito ay maaring mas mabaho depende kung hindi ako maingat.
Bakit ako nagpost muli?
Simple lang.
Dahil sa pamamagitan nito napapagana ko ulit ang iba pang bahagi ng utak ko para kumilos. Magtype at makagawa ng isang kuwento. Dito nagsimula ako naging isang manunulat, dito nagsimula ang konsepto ng Manual to Lyf. Dito ako nahasa at napalago bilang isang indibidual. Korni ba? Ganito talaga ako at kita ko naman na naging effective ito para sa akin (ewan ko na lang sa inyo, kanya kanya tayong trip sa buhay di ba?).
After almost 8 years ng blog na ito... Its time to have a make over...
in 3...
2...
1...