Friday, August 08, 2008

Blah Blah Blog ~8~8~8~ august 8, 2008


北  京  欢  迎  你

this only comes once...
never let it slip away...
eight day of the eight month of the eight yearthe blessing of heaven has come forth
the wood has provided scrolls to record the days
the moon and the ocean torment the waters
the earth has become strong and proud
the world will be reborn in fire
and the air will set all in harmony

Ngayon ay ang ika-8 ng agosto taong dalawang libo't walo, ngayon, maraming dapat abangan na magyayari. Ngayon ay simula ng aking retreat.... Ngayon ay simula ng Beijing Olympics, maraming nagsasabi na ito ay maswerte, at ang petsang ito. At marami naman ay pangkaraniwang araw lamang ito.  At nandito pa ako nagba-blog hindi  pa natutulog galing sa work.  Haaay....

同一个世界 同一个梦想
one world, one dream

    Ayon nga sa last blog ko, na inspire ako muli sa arts (lahat ng klase visual man o performing arts, pati martial arts) Kaya sa ngayon, uumpisahan ko na ang aking mga OBRA...isang malaking sugal man ang aking ginagawa ngayon ay sana matapos ko sila para kahit hindi ako manalo ay mayroon akong mapatunayan sa aking sarili at sa mga nakakakilala sa akin. At isa pa sa mga nabuhayan sa aking dugo ay ang graphic arts, lalo na ang animation. Dumarami na ang mga magagaling na pinoy animators at dumarami na rin ang mga magagandang pinoy cartoons. At dahil isa rin yun sa pinakamimithi ko sa buhay, na magkaroon ng animation na ako ang gumawa, kung hindi man, kahit ang storya lang.


Wala naman akong katawan ng isang atleta ngunit ang pagkahilig sa isports ang nagtutulak sa akin upang subukan at huwag matakot ang mga estilo at diskarte sa palakasan, tulad ng buhay dapat maging matatag. Wushu! Abaganan din ako sa Manila Olympiad 2024, Badminton ü


    Ngayon din ang simula ng aming individual guided retreat ng AYOM. Iba ito sa mga retreat na nasubukan ko kasi as in one on one na retreat! Dibdibang pagninilay ito! At sa mga experience ko sa mga retreats na kahit papano ay may napupulot akong mahalagang aral, sana ang bangong istilo nito ang magbukas pa sa aking puso at tuluyang magbago sa aking mga hindi magandang gawain. At sana din dito magmula ang aking taus pusong paglilingkod bilang volunteer sa gawain ng Diyos. ( Seryoso ito) Dito rin kaya, iparamdam sa akin ang "calling" ? (hello? thank you for choosing priesthood, how can i bless you today?). Who knows... 
    Ui! may ad din akong masisingit pala, sa mga gusto ng invite sa ümobile, reply kayo agad ng e-mail at cel number niyo 10 lang ang invites ko....per month. Sa mga sawing palad sa invite codes punta na lang kayo sa www.umobile.com.ph. HURRY WHILE SUPPLIES LAST! libre sim! libre load for 6 months! The only thing that you need to do is register and complete the questionnaires. Its cool, but still I am reviewing its pros and cons. 
pero syempre cool talaga ang LINBRENG LOAD!

Kakatapos lang ng wowowie, may nanalo ng 500K sa willie of fortune, napagbiyan ang 8th na anak, swerte talaga, akala lang niya 50K lang ang panalo niya. Napagbiyan ni Willy, at hindi pa naman tapos ang araw na ito, subukan natin ang swerteng dala ng araw na ito at sana ako ang isa sa mga mabibiyayaan....


Tuesday, July 22, 2008

Blah Blah Blogs! =cofffe withdrawal syndrome=


coffee withdrawal syndrome

    ewan ko ba kung bakit nang nagbalik loob ako sa kape, saka ko naramdaman ang hindi mainitndihang sakit. Para kasi akong nasusuka na nahihilo na napapaubo ng malakas, pero wala naman akong lagnat? at nagyayari lang ito kapag nakababad ako sa aircon at kakainom ng dalawang tasang kape, na hindi ko naman naramdaman noon. Alam ko coffee addict ako, well noon, *hic* at matapos ang kunwa-kunwariang cleansing diet from caffine, ngayon lang ako bumaik sa coffe machine upang pumila ng kape. feeling ko minsan gusto ko nang umabsent, pero hihintayin ko na lang talaga na bumulagta ako. Sabi naman sa clinic, nagkaroon daw ako ng very mild na high blood, na nawala agad pero nahihilo pa ako ng kaunti. Sana sa pagpasok ko mamaya hindi na ako maganun. Hay, kailangan ko ata ng bakasyon muli. Sana nakasama ako sa world youth day sa Austrailia, sana makasama ako sa susunod sa Madrid. Ang dami ko nang regrets at depression ( kuno hehehe), sana mapatawad na ako ni caffine, I love her so much. (sob :'( )

Tuesday, May 20, 2008

Blah Blah Blogs! -= official rainy days editon=-



pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay...
hay naku tag ulan na naman at kailangan ko nang bumili ng payong at kapote (ung uso pa yun), kailangan ko na rin ng scarf, firs t aid kit, shampoo sabon toothpaste at holy water. Tila ang laki ng problema ko pagdating ng tag-ulan. Hindi sa ayaw ko ng ulan, kundi sa perwisyo na dulot nito... tuled ng trapik, baha, dengue, at mga bagyo na titibag sa bahay namin na gawa na kaunting semento at kahoy... waaah kakaiyak....
pero sa katunayan nga ay mahal ko ang pagbagsak ng ulan dahil nililinis nito ang ating maruming mundo. Ibinabalik sa atin ang ating mga kalat na itinapon natin kay inang kailikasan. At sa ulan din nagmumula ang kabuhayan ng agrikultura na pinagkukunan natin ng pagkain sa araw-araw. Gusto ko rin ang malalakas na hangin na may bilis mula sa 3 kph hanagang 150 kph... ang range na hindi ako liliparin. 
At sa pagbuhos ng ulan ay pasukan na muli, which means mas maraming trapik, maraming gastusin at maraming gawain! yehey! boo! nagiipon na ako ng leave para sa mga lugar na pupuntahan ko upang makapagpahinga! hay buhay ....
at sana sa lalong madaling panahon ay maayos na ang internet namin pati ang set up ng computer ko...natuwa naman ako dahil napuri ang ginawa kong video sa youtube... altough matgal na yun... at least noh... may makakaappreciate sa gawa mo kung tunay mong pinaghirapan at gusto mo...
sana naman bumuhos din ang mga biyaya mula sa langit... bonuses... $1Millon... happy people... great friends... post-summer getaway....  tulad ng bagyo ay hindi natin alam... bigla na silang sumusulpot... POP!

Tuesday, December 11, 2007

Back to School?!


MABUHAY!
last saturday bumalik me sa PLM... so literal na back to school nga ako. well akala ko hindi na ako naalala ng mga taon doon pero di pala, welcome na welcome pa rin me as I met my friends again sa Mfg at ME, syempré yung SCA PLM family ko! well nandun din ang SCA Manila ka-berks ko na sina kuya joel at joana. At hindi dapat palagpasin ang MAGWAYEN, sa ginanap na sportsfest, unfortunately hindi me nakalaro, nood lang kasi nagtotoggle me sa simbahan at sa field. Kung sana totoo ang kage bunshin ay ginawa ko na yun... hay, pero it was really fun kahit observer lang me sa last game... well next time na lang...hindi pa naman huli ang lahat. 

sa mga kakilala, kaibigan, ka-magwayen, ka-scan, ka-manu ko... well its so sad na hindi na me babalik upang mag-aral sa Pamantasan...(pwede kaya sa masteral?) pero wish me well, kakaiba talaga ang buhay ko...  ngayon nandito na me sa tunay na buhay ng paghahanapbuhay... pramis tatapusin ko ang pag-aaral ko.. but kailangan talagang maging patient because "patience is a virtue" ika nga. Well maganda pa naman ang tingn ko sa mundo, kahit na ganito optimistic pa naman ako... sure talagang may "shit" times at shine times...
    nakabuti naman ang pangyayaring ito sa akin... dahil mas lumawak na ang tingin ko sa mundo, natatry ko na ang iba't ibang uri ng kamunduhan, este karansan na tumutulog sa akin sa pagunlad...seriously...
    malaya na rin ako sa pagsusulat ko at ginagawa ko na ang unang nobela ko... at sana mayroong mabuting puso tulod niyo na tulungan ako sa paglimbag nito... may free copy kayo at autograph...
 marami akong naiwan sa school na babalik balikan ko talaga even if I like it or I like it. at makikita niyo naman ako na dadapo minsan diyan, so huwag na kayong mag-alala... 
    LYF is fun... you just have to know how to live that way...

Tuesday, November 13, 2007

Manual to Lyf... comes to lyf!


KA-LYF!
    Ito po ang una, at sana huwag ang huling isyu ng online version ng hindi pa na-pupulish na liro na gagawin ko ang  MANUAL TO LYF (applause) ang pinakacomprehansibo ang pinakamadaling pagkaintindi sa buhay (standing ovation). Sa mga hindi nakakaalam... nagsusulat po ako. Pero dahil sa bisyo ko ng paglalasing sa kape, at paghihithit ng white flower ay napabayaan ko ng panandalian ang aking larangan na siyang nagbibigay sa akin ng saya at self pleasure (ano iniisip niyo?) . Marami na ang nagyari sa buhay ko sa nakaraang mga buwan, kaya nga nag-aaply na nga ako na maisabuhay ang aking storya sa S.O.C.O. balita ko kukunin nila it agad. May offer rin yung Emegency, tapos may libre daw konsulta sa doktor sa Mandaluyong. 

    Sa mga naiintriga kung anu ang aking libro, pwes....MAGHINTAY KAYO ADIK! mawawal kasi ang exciement niyo kung sasabihin ko na agad di ba? Pero ang libro a syempre tungkol sa Lyf... na napaka broad. Hindi pa po ako magkakaroon ng book launch, mall shows, provincial motorcade, at world tour. sakana muna, may nakaschedule pa akong mass healing and politial rally na pupuntahan muna. Sa ngayon ay wala po akong kakayahan na makalimbag ng aking sarling libro, ni wala nga po akong pera para ipaseroks na lang kahit yung manu script. kaya nga bukas po ang aking contacts numbers  sa anumang maitutling ninyo sa aking pangarap. kahit de lata, noodles, papel, at black forest cake mula sa red ribbon lang ay malakingtulong na sa akin. Nawa'y naawa po kayo, lalo na po yung mga mababait na puso. pakisend na lamang po sa akingaccount number naaking itetext po sa inyo via 3G. Sa halagang 1 millon pesos lang ay makakarecieve po kayo ng resibo at Manul to Lyf merchandise items tulad ng Manual to Lyf electric iron, Manual to Lyf T-shirts na puno ng dirty words tulad ng PIM! (Philippine Idol Mania) at GAGO KA (Gwapo and Gwapa Organization Kalookan Annex). Huwag din nating kalimutan ang pambihirang kalendaryo para sa taong 2129 para hindi ka mahuli sa oras at taon. Ang aming limited edition, Manual to Lyf video documentary sa betamax, VHS at mini SD format. Tampok dito ang mga kapanapanabik na pagsusulat ni FPJ Jr. ng limang oras at hindi umaalis sa kanyang kinalalagyan! At teka, meron pa! Kapag tumawag kayo at i-repost ito sa bulletin ng friendster account niyo ng ilang beses at ilagay ang title "GUSTO NIYO NG PERA? BUKSAN NIYO ITO AT BASAHIN!", ilang minuto malipas mabasa ang huling salita ng blog na ito ay mayroong hahalik sa inyo sa labi mamayang hating gabi (hindi lang namin sigurado kung anu man yun, pero karaniwan sa aming customers ay nakaranas ng pakapal ng ilang bahagi ng kanilang labi bilang katunaan na sila'y nahalikan).
    
tanong niyo?

Ano ba ang makukuha ko sa blog na ito?

sagot: wala ewan ko rin. sorry (high naman ako sa kape at white flower...yeah)

    pero marami akong mga topic ako tungkol sa ating pangaraw-araw na gawain, buhay-buhay, anik-anik, kwento-kwento, at balun-balunan. Kung magustuhan niyo man o hindi, malaya po kayong gawin iyon, pwede rin po kayong magrally sa aking bahay at mag-hunger strike. malugod ko po iyong ikagagalak.  pwede niyo rin po i-add sa friendster... manual_to_lyf@yahoo.com at mag-iwan ng inong komento, indecent proposals, death threats, and violent reactions.  At abangan niyo po ang pananabikang world launch ng librong Manual to Lyf! Ang pinakakomprehensibo at pinakamadaling pagkanintindi sa buhay! na malapit na....basta malapit na...