Showing posts with label Racist remark. Show all posts
Showing posts with label Racist remark. Show all posts

Sunday, February 26, 2012

FHM's Latest Cover Racist?

At first glance it looks like a regular FHM cover featuring Bela Padilla. But taking a closer look reveals that she is in the midst of dark-skinned women and it also gets intriguing with the caption of "Stepping out of the shadows". The latest cover does feature and expose Bela as the center figure for the magazine cover however, many have reacted to the photo and find it very racist in content.

For me, the concept indeed has some suggestive thought of referring "shadows" to dark-tonned women. Though it was never discouraged them, it still has this negative impact on dark-toned people. Yes, in our Pinoy society, we prefer white skin over dark and this led to the mentality of dark is lesser than white. However, the point here is the photo and the statement itself which raise eyebrows. I do smell controversy in the making.

Wednesday, December 07, 2011

DALAWANG PISO: Nicole Kelly at Mo Twister vs the Internet


Kailan lang may pumutok na kontrobersya muli sa internet tungkol sa isa sa mga kandidata ng Ms. Earth pageant na ginanap dito sa Pilipinas (originally sa Bangkok ang venue kaso ang lungsod ay nasa isang matinding baha sa ngayon). Ang representative ng USA na di Nicole Kelly o Nicole Lynn ay di umano'y nagpost ng isang racist remark sa kanyang facebook profile:

“I hardly made it to Manila and we already attended a ridiculous tv show. So annoying!!! These people want to touch you and be with you all the time!! I can’t understand a word they say. I can’t wait to go back home. This country is so dirty and noisy. I’m scared to eat!!! What a mess. On a lighter note I don’t see any real competition. Will keep you updated my loves,” 

Dahil sa statement na ito, maraming Pinoy ang nagpupuyos sa galit at nagcomment (at shinare) ang screenshot ng status niya sa facebook. Tinangal na ito sa kanyang wall at gumawa ng isang youtube video na di umano'y na hack ang kanyang account at nagpost ng walang paalam. At syempre tulad ng apoy ay madaling kumalat ito sa internet na karamihan ay nagagalit sa kanyang statement. Marami din namang sumang-ayon sa kanyang pahayag na madumi at maingay ang Pilipinas. 

Ngunit tila lumalaki pa rin ang isyu sapagkat patuloy ang pagkalat nito. Kung matatandaan natin na mailang tao na ang binatikos at kung minsan ay nabuko sa kanilang kamalian na kumalat sa internet. Mula sa sinampay na aso, mga banyaga na nagkomento ng masama tungkol sa bansa. Hindi maikakaila na malaki ang kapangyarihan ng internet sa bansa, kaya tinuturing na tayong social media capital ng mundo.



Ngayon at mainit pa rin ang usapin eto ang aking masasabi:

Para kay Nicole Kelly, (i-english natin para sa kanya) if you actually made that statement, yes it is true and we already know it. However, if you mess with anything with Philippines or Filipino on it expect to be the talk of the nation with hate, hate and more hate. Also this statement maybe the reason you lost the crown. If that was a hacked statement, get you privacy settings up, though its suspicious you were able to delete it so quickly. Stay safe and say sorry if you do, the Filipino people will forgive you.

Magsilbi itong aral sa lahat, lalo na sumasali sa mga contest at pageant na maging maingat at matatalas ang pandinig at click ng mga Pinoy sa ganitong pahayag. Pero minsan ginagawa na ito ng ilan upang makakauha ng pansin sa mundo, yun ang mas nakakainis.  

Ngayon dumako naman tayo kay Mo Twister na kamakailan lamang ay lumisan ng bansa dahil sa isang video na kumalat din sa internet ukol sa di umano'y pagpapalaglag ng sanggol nila. Ang video mismo ay isang taon pa nakakaraan at patuloy na dumadami ang nakakapanood. Maging ang GMA Network ay magtutulak ng kaso laban sa DJ dahil inaakusahan ito ng nagbibigay ng pressure sa dating kasintahan.

Ayon kay DJ Mo, maaring nakuha ang video sa dati niyang computer at ito ay kumalat na. Sa totoo lang ay nakita ko pa siya sa isang technology event na tila walang problema bago ito kumalat. At dahil sa mabigat na isyu ng abortion, naiipit din si Rhian Ramos sa isyu lalo na mayroon siyang kakapalabas na pelikula na The Road.



Dito napapatunayan na kung dapat maging maingat sa mga pahayag na ginagawa sa internet lalo na sa mga celebrities. Dagdagan mo pa ng matitinding isyu kasabay nito ay tila pagtitiwakal sa harap ng bayan. Para kay Mo, kung totoo ang iyong pahayag sa video na ito dapat harapin mo ang mga consequences na dulot nito. At kay Rhian, nawa maliwanagan mo rin kung ano ang tunay na nangyari lalo na ang abortion ay isang napakabigat na akusasyon.


So sa mga gustong sumikat, laos na ang sex scandal videos, isang matinding racist statement o confession video (with props) ay magpro-propel sa inyo tungo sa kasikatan at kamuhian ng buong bayan. ITO ANG DALAWANG PISO KO.