Showing posts with label Competitor. Show all posts
Showing posts with label Competitor. Show all posts

Monday, December 12, 2011

DALAWANG PISO: Team ChicBoy and Team Higad



Babala: ang post na ito ay rated SPG (Strong Parental Guidance) hindi dahil sa hubaran, seks or violence kundi kadiri lang as in .... sobra.

Hindi pa bumababa ang init ng break up nila KC at Piolo, at ang scandalosang video ni Mo Twister at Rhian Ramos ay nagugulantang na naman ang internet world dito sa Pinas dahil sa isa na namang reklamo online ukol sa establishment na itatago natin sa pangalan na alyas 'Chicboy' at ang nagrereklamo sa facebook na itatago natin sa alyas na 'Sigrid Andrea Boromero'. 

Ayon sa kanyang pahayag sa fb, napansin niya ang isang malaking bahagi sa inorder niyang kangkong . Una inakala niya itong talong at napansin na medyo mamantika ang putahe. Ngunit matapos ang ilang sandali ay nalaman niya na ito ay isang tunay na higad/uod na naluto at nasama sa kanyang inorder na pagkain. Kaagad niya itong nireklamo ngunit hindi naging maayos ang kanilang usapan na umabot di umano sa pagpapalit ng pagkain o ibalik ang bayad. Umabot pa daw sa mga pulis ang reklamo ngunit nauwi lang ito sa mas malaking di pagkakaunawa. Nais ng complainant humingi ng paumanhin ang mga tauhan ng restaurant at i-take out ang putaheng may uod upang maging ebidensya.