Bagong Simula
Simula ngayon, sa blog na ito maninirahan ang Blah Blah Blogs! Ang inyong paboritong talakayan sa internet ay parang isang show na lumipat lang ng istasyon (pero syempre dito, lumipat lang sa kapwa blog nito kasi mas nagconcentrate na sa english format ang manualtolyf.blogspot.com. Pero kahit ganun pa man, Masaya pa rin ako dahil kahit may english format na ang isang blog, narito naman ang fpjjr.blogspot.com na siyang maghahatid ng Blah Blah Blog sa inyo sa wikang tagalog para sa inyong kasiyahan (for you entertainment, ika nga). Sa totoo lang mas mabilis akong maka formulate ng mga concepts at mag type kapag tagalog kasi syempre ito pa rin ang aking first language. At tila kung ano ang iniisip ko ay siyang natatype ko agad dito kaya di hamak na mas mahaba ang aking masasabi. Isa pang dahilan ay nais kong mapanatili ang malayang pag-iisip at opinyon ukol sa mga topic na napag-uusapan. At medyo kakaiba din ang umpisa ng Blah Blah Blogs dahil ngayon ay umpisa na ng Lenten Season, kung saan ilang linggo na lang ay ang mga mahal na araw na, tapos easter sunday na! Woah! Ang bilis, parang kahapon lang ay nag se-celebrate pa tayo ng new year. At di rin natin pansin ay Pasko na naman! Hay buhay!
Nakakamiss ang mag sulat ng ganitong format. Na-alala ko noong nag mu-multiply pa ako ay minsan napaka jologs pa ng sinusulat ako, at sa tingin ko rin ay jologs din ang labas nito matapos ang ilang taon. At kung mababalikan 2003 ako nagsimulang mag blog, meaning high school pa ako nun! At isa pa, mga simpleng mensahe lang ang nilalagay, parang twitter lang. So ang ibig sabihin ba nito ay ako ang unang nagsimula ng tweet dahil sa tingin ko naman less than 140 characters ang blog ko, so counted siya as mirco-blog. Medyo bangang pa rin ang isip ko sa dami ng problema ko ngayon lalo na sa PERA. Hindi naman ako mahilig sa pera ngunit maraming obligasyon na ang hindi ko nababayaran sa nakaraang mga buwan at nakakatakot nang isipin kung ano na ang mangyayari sa kinabukasan namin bilang pamilya. Pero heto din ako na puno ng pag-asa, parang isang politiko na nagsasabing MAY PAG-ASA PA. hay naku... ito ba ang tinatawag na balanse ng Yin at Yang. Isang negatibo at isang positibo enerhiya kaya kahit paano ay hindi ako nababahala pero hindi rin ako napapanatag? Pero gayun pa man, ang pinakamahalaga sa akin ngayon ay matapos na ang problemang ito at magsimula muli sa simula. Noong isang taon kahit paano nagkaroon ako ng mga bagay na minimithi ko sa buhay. Hindi pa ito bahay. lupa o kotse, mga gamit/gadgets naman ito. Alam mo naman ako, isang dakilang "techie". Ngunit nang nagsimula ang krisis pinansyal sa bahay ay nabenta ko na ang halos lahat ng mga ito. Nakakalungot nga pero kahit paano ay panatag akong mababawi ko ang mga nawala sa akin. Tila baga na bagyo kami kahit hindi naman kami nabaha (syempre at dahil nasa 4th floor kami, pero nalungkot din ako sa mga binaha ng matindi). Ngayon ay Bagong Simula, isa na namang panibagong kabanata sa buhay ko. Gayundin ang aking mga gawain, sa aking mga kaibigan, sa aking pamumuhay. Hindi ko man lubusang alam kung saan hahantong ang aking kapalaran, mahalaga na nakakalingon ako sa aking pinanggalingan. At mula dito ay maari kong maitayo ang nasalantang buhay na ngayon ay pinagsisikapan ko pa ring tumayo.
Bagong Simula men, bagong simula!