I am confused...
really confused...
kung nabasa niyo na ang status ko dito sa fb, nakakadepress pero may sign ng hope. Well what I feel today is actually worse. Kailangan ko lang isulat kasi alam ko kung itatabi ko lang sa utak ko mababaliw ako. Pramis di ko nagbibiro, matindi ang problema ko sa bahay ngayon,partikular sa pera. Alam ko lahat problema yan pero ipakita ko lang ang senario at tignan niyo kung OK ba talaga ang lagay ko. Una lahat, as in lahat ng bills (kuryente, tubig, telepono, internet) ay hindi pa nababayaran. So sinusulit ko na ito habang meron pa. Pangalawa, dumidiskarte na lang kami sa pagkain ngayon, kung may mauuwi sa events ko o sa mga kaibgan o kamag-anak mairaraos na ang pagkain namin sa araw na ito. Kahit meron kaunting pera hindi namin ginagastos kasi mas hinahanda namin yan sa mas mahalagang pangangailangan. Sa ngayon wala naman akong opisyal na trabaho dahil nag-aaral pa naman ako. Naghahanap naman ako ng mapapasukan, pero minsan nag-aaway na kami dahil sa mga usaping problema. Pagkatapos kasi ng school ay naghahanap ako ng mga raket na pwedeng pagkakitaan. Minsan meron minsan wala. Hindi nga nahahalata ng mga kaibigan ko na may matindi akong problema kasi mataba pa ako. Isa pang problema ko ay ang tyan ko, hindi naman ako nag LBM o impasto ay masakit na ito. Nawalan na ako ng gana sa pag-kain. Dasal ko na lang na hindi ito mauwi sa malalang sakit. At ang pinakamatindi sa lahat ay ang renta sa bahay na hindi pa namin nababayaran, ok lang sa akin ang lumipat pero malapit kasi ito sa school na kaya ko lakarin. Sa totoo lang ngayon lang ako nalate ng sobra sa klase o minsan hindi na maka attend, na-late sa appointments at mukhang confused and disoriented. Nade-deceive minsan kayo kung mukha akong OK at palatawa at masayahin, yeah parang emo ako ngayon, as in wala akong talagang isang kaibigan o kapatid na mapag-open up ng feelings ko. Yes ang dami ko ngang friends, sino ba ang nakaka-alam ng tunay kong kalagayan. At alam ko na parang social-suicide ang paglalahad ko ng kalagayan ko ngayon pero DAPAT kasi or esle I will suffer more. I am also tangled with my responsibilities with my youth ministry, sa school orgs, sa faculty at maging sa aking sarili. Nahihiya ako dahil hindi ko sila natutugunan, parang sinayang ko ang tiwala nila sa akin. Sa totoo lang din ang problemang ito ay since October pa last year, pasalamat lang ako sa mga milagrong nagdaan upang isalba kami at naka-raos ang 2009. Isa pa ay may sakit ang kapatid ko na nasa ibang bansa, hindi din namin siya mahingan dahil sa kalagayan niya. So ito ang mga rason kung bakit ko kailangan na ilabas ang nararamdaman ko. Para sa iyo na bumabasa, pakiusap ko lang ay unawain mo lang ang kalagayan ko ngayon. Alam ko naman may katapusan ang unos na ito, pero hindi dapat ako mabuhay sa huwad na pagkukunwari na ayos ang lahat. Oo nga may pag-asa, pero sa taong nalilito, nag-iisa at hindi nauunawaan, hindi madali ang pinagdadadaanan ko ngayon.
Sa ngayon, lahat ng napundar kong gamit ay binebenta ko na para matugunan ang pangangailangan namin. Siguro babalik ako sa call center, pero sana matapos ko lang itong sem na ito... yan lang ang dasal ko ngayon. Matapos ko ang sem ng may matinong grade, matugunan ang mga responsibilidad ko, hindi ako naghahangad na maibalik agad ang mga gamit na nawala sa akin pero magkaroon ng mga gamit na magagamit ko para makatulong sa amin sa araw araw. Na-alala ko lagi ang kwento ni Job sa bible na nawalan ng lahat pati anak at nagkasakit ng matindi pa pero di bumitaw, inisip ko sana ganun ako kasi minsan gusto ko na lang mawala o tuluyang bumigay sa problema. Sa paglabas ko ng bahay, may ngiti pa naman akong mapapakita na simbolo ng pag-asa ko at may luha na nagpapakita pa rin na naghihirap ang kalooban ko.
:'-(