Tuesday, May 20, 2008

Blah Blah Blogs! -= official rainy days editon=-



pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay...
hay naku tag ulan na naman at kailangan ko nang bumili ng payong at kapote (ung uso pa yun), kailangan ko na rin ng scarf, firs t aid kit, shampoo sabon toothpaste at holy water. Tila ang laki ng problema ko pagdating ng tag-ulan. Hindi sa ayaw ko ng ulan, kundi sa perwisyo na dulot nito... tuled ng trapik, baha, dengue, at mga bagyo na titibag sa bahay namin na gawa na kaunting semento at kahoy... waaah kakaiyak....
pero sa katunayan nga ay mahal ko ang pagbagsak ng ulan dahil nililinis nito ang ating maruming mundo. Ibinabalik sa atin ang ating mga kalat na itinapon natin kay inang kailikasan. At sa ulan din nagmumula ang kabuhayan ng agrikultura na pinagkukunan natin ng pagkain sa araw-araw. Gusto ko rin ang malalakas na hangin na may bilis mula sa 3 kph hanagang 150 kph... ang range na hindi ako liliparin. 
At sa pagbuhos ng ulan ay pasukan na muli, which means mas maraming trapik, maraming gastusin at maraming gawain! yehey! boo! nagiipon na ako ng leave para sa mga lugar na pupuntahan ko upang makapagpahinga! hay buhay ....
at sana sa lalong madaling panahon ay maayos na ang internet namin pati ang set up ng computer ko...natuwa naman ako dahil napuri ang ginawa kong video sa youtube... altough matgal na yun... at least noh... may makakaappreciate sa gawa mo kung tunay mong pinaghirapan at gusto mo...
sana naman bumuhos din ang mga biyaya mula sa langit... bonuses... $1Millon... happy people... great friends... post-summer getaway....  tulad ng bagyo ay hindi natin alam... bigla na silang sumusulpot... POP!