Hindi lang siya sugod ng sugod, magaling at matalino siya sa maraming aspeto. Ngunit naging biktima siya ng naunang pulitika noon kaya siya namatay sa kamay ng mga kasamahan sa katipunan. Ngayon, ginugunita natin ang araw niya, pero gaano ba natin kakilala si Bonifacio higit sa pulang pantalon?
Oo, tulad ni Jose Rizal, walang Pinoy ang hindi nakakakilala sa kanya. Maraming lugar, kalsada, gusali, meroabilla at ang Monumento ay makikita si Andres. Kung matatandaan, ang BGC ay Bonifacio Global City dahil dati ito ang Fort Bonifacio na dati ring naging kuta ng mga sundalo noong panahon ng digmaan.
Ang kung ang laging depiction kay Andres ay madalas sumusugod, sumisigaw, matapang ang tingin, at naghihiwa ng balat parang emo, bihira nating makita ang mga magaganda niyang akda at gawain, tulad ng pagsusulat. Siya ang umakda ng Kartilya ng Katipunan, Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa.