Special ang taonng 2013, dahil ito ang ika-10 taon ko bilang deboto ng mahal na poong Nazareno. Actually started back in high school, and every year, I made sure to go there as a thanksgiving to all the things I have today. Pero hindi po ako pumupunta ng nakapaa o humihila ng lubid. I go there to attend mass and offer prayers and thanksgiving. Minsan, sumasagi din sa isip ko kung subukan ko, pero kapag nakikita ko ng malapitan at maipit sa magulong naguunahan sa lubid, na-aasses ko na hindi ko nature yun at mukhang kailangan ng matinidng training yun. Gusto ko pang mabuhay ng mahaba-haba.
Actually, hindi naman patayan talaga ang labanan sa pagsampa sa poon, nagkataon na sa sobrang dami ng deboto ng Nazareno, parang warzone na ang makasampa at mahawakan ang Nazareno. Well, dahil dito nacricriticize ang mga deboto sa fanaticism sa rebulto ni Jesus. Pero narealize ko na ang FAITH ng tao sa Diyos ang nagdadala sa kanila upang ipakita nila ang kanilang nararamdaman. Malungkot lang na mayroong mga "deboto" na sumasama sa ganitong gawain nguit hindi tumaalikod sa kanilang masamang gawain sa buhay na nagpapawala ng halaga sa pamamanata sa Nazareno