heto nandito na ako uli sa sarili kong space, mula sa aking unang blog. namiss ko ang self blog ulit. Dito mas malaya ako sa anumang pwede kong sabihin at gawin. ngayon ay nakatangap ako ng tawag mula sa isang call center, sa totoo lang parang gusto ko na ring magbago ng trabaho dahil sa stress na inaabot ko araw araw. Sabayan pa ng aral sa isang linggo ay hindi ko na rin alam kung paano ako mag eenjoy sa buhay. well, problema ko pa rin ang pera kahit na may trabaho ako. Hindi naman ako nakakabili ng bagong gadgets dahil napupunta sa pagtulong sa nanay at kapatid ko, kaltasin pa ng bayad sa tuition kada kinsenas at katapusan. Plus ang kailangan pang bayarin sa upa sa bahay at kuryente, at mga supplay ng pagkain. So ano ang natitira sa akin... hindi ba nakakadepress? wala naman akong anak o syota na pinaglalaanan din ng oras kaya ang mga sandali ay parang pangpalubag loob lang sa akin. Kaya siguo ako tumataba, nakakainis. Kaya naiisip ko minsan na magiba ng trabaho parang mga volunteer work o yung mga nasa simbahan. Ewan ko lang, pero pagod ako at hindi ako masaya, pramis kaya kailangan kong mailabas ito sa sulat. Personal nga ito, ang hiling ko lang ay sana ay malaman ko kung ano ang plano ng Diyos sa akin sa mga kinabukasan...
Sa ngayon, handa pa rin akong harapin ang bukas...
aw...