Bagong taon na at siguro tamang panahon na buhayin ko ang blog na ito kasi yung isa kong blog (manualtolyf.blogspot.com) nag-eenglish na. Baka hindi ko naman makaya at kailangan ko naman ng lugar upang marinig ang boses sa simpleng Filipino (o Tagalog). Simula ngayon ang blog na ito ang aking lugar-labasan (ay parang bastos... hindi ikaw lang yun) ng aking pananaw gamit ang wikang marami din naman ang makakaintindi. Sa ngayon, mas marami na ang komentaryo dito. Balak kong ilipat ang Blah Blah Blogs at Word of the Lourd dine kung gusto kong mag-tagalong.
BAGO.
At Dahil 2010 na ay dapat may mga pagbabago tayong gawin. Pero may mga bagay na hindi naman kailangan baguhin lalo na ang mabuting asal. Korny ba? Well, kung totoo nga ito, bakit di natin ginagawa? Bakit may mga baluktot pa tayong mga pamumuhay? Ah basta ayaw ko munang manermon sa unang blog dito sa taon. Ang mahalaga ay may pagbabagong mabuti. Mas mapagtutuunan ko muli ang pagsusulat, ang sining ika nga. Matagal kong binalak at ngayon ay nagtagumpay na ako. Pero hindi pa rin ako masaya at dapat kong maging masipag sa mga susunod na araw. Mag post sana ako ng regular dito, pero dapat laging malaman, laging may matututunan.
BAGO.
Bago nga ang lahat, at para dapat laging maging mulat at maingat upang mapanatili ang ganda at pakinabang nito. Sa totoo lang ito man ang una kong blog dito sa blogspot (at sa buong buhay ko), malaki ang pagpapahalaga ko dito upang maging daan para sa mabuting pagbabago. Pasesnya na parang pulitiko ang speech ko, pero hindi naman ako tatakbo, hindi ako nangangako ng pag-ahon sa kahirapan, hindi ako nakikidebate sa kongresso at manatili sa upuang pinag-aagawan. Basta ang mahalaga ay marinig ang boses ko, yun lang. Karapatan nating lahat yan pero kaakibat nito ang mga responsibilidad. Tapos.