Wednesday, May 27, 2009

Clash of the Passion

medyo may dilemma ako ngayon sa pinagagawa ko sa buhay. Marami akong gustong gawin pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Mahilig talaga ako sa pagsusulat, pagdro-drowing, pag-arte, pagsasayaw at pagkanta. Pero sa tingin ko ang nahaharnest kong  talent ay ang pag drodrowing, siguro dahil mas nauna akong magdrowing kaysa magsulat. Sa ngayon hiatus na naman ang mga sulatin ko, pero kahit paano dahil din dito mas lumawak ang imahinasyon ko at tila mas ginanahan ako sa pagsusulat. Kaya siguro muli akong nagsusulat ng ganito ng walang pakundangan. Malaya. 

Hindi ko pinagsisihan o minamata ang aking talento, bigay sa akin ito. At mayroon akong responsibilidad na gamitin ito para sa ikabubuti.  Ako lang siguro ang may problema kung saa at paano ko ilulugar ang mga ito. Sa totoo lang gusto kong mapasa ang aking talento sa susunod na henerasyon, kung aabot man ako sa kanila. Pero syempre habang buhay pa ako dapat gumawa na ako.  Marami pa akong gustong marating. Sa pagkapanalo nga ng isang direktor na pinoy sa Cannes ay nakakainspire, matagal din niyang pinuhunan ang kanyang talento at nagbunga nga ito ng parangal mula sa patimpalak na iyon.  

Sa araw na ito, nais kong bumalik sa writer mode, balik sa pagbabasa, pagsusulat, pag-iimagine ng kung anu-anong bagay na talagang "out of the box". Nakakatawa man, pero nakatulong sa akin ang panonood ng Phienas ng Ferb ng Disney Channel. Bawat araw ng summer vacation nila may ginagawa silang out of this world na mga inventions, events at discoveries.  Dapat yun ang gawin ko, araw araw dapat may ginagawa akong mahalaga. Hindi man kasing bonga ng ginawa nila, at least may patutunguhan. Tulad ng site na ito, medyo napabayaan ulit pero may araw na babalikan ko ito para magdagdag, mag-ayos at magbago. 

yey!